Natuto lang akong magluto nung napunta ako dito sa Indonesia. Marunong naman ako magluto nung mga instant --- noodles, pancit canton, hotcake, champorado, soup, etc. Marunong din akong mag-prito. Pero yung tipong kailangan talaga ng preparasyon, wala. nada. zetlog.
Sinikap kong aralin ang pinakamadaling lutuin, adobo. Tinanong ko aking mahal na ina kung paano ito gawin. Yung mga unang subok ko, medyo maalat. Pagkatapos, para namang paksiw dahil napadami ng suka. Sumunod naman, natuyo yung sabaw at nasunog ung baboy. Hanggang sa nakuha ko din ung lasang gusto ko. Sumasablay pa din naman minsan, pero naagapan.
Adobo + Kanin + Malamig na Coke = Napakasarap na Hapunan!
Ito ang mga sangkap na ginamit ko:
- butter
- bawang
- toyo
- black pepper (ground)
- suka
Pinitpit ko muna ung bawang at hiniwa ng maliit. Ginisa ko sa butter. Tapos iniligay ko na ung baboy. Nilagyan ko ng toyo, mga 3/4 cup. Tapos 1 1/2 cups ng tubig. Nilagyan ko ng ground black pepper at hinalo. Hinayaan kong kumulo ng 20-25 minutes. Pagkatapos, inalis ko sa sabaw ung baboy at pinrito ko. Ayoko kasi ng hindi naprito ung baboy. Pagkatapos kong iprito, inihalo ko ulit dun sa sabaw. Nilagyan ko ng 1 tsp na suka at pinakulo ko ulit ng 5 minuto.
At pagkatapos, kumain na ko. :)
2 comments:
yung unang adobo ni ate (way back 2nd year college ako), parang paksiw din! wahaha :D
i love adobo mare! May recipe din akong natutunan ib-blog ko soon, sobrang sarap din! pero sabi nila ang secret to a delish adobo is the vinegar, kase habang tumatagal, sumsarap :) likas ata talaga tayong mahilig sa mga pagkain ano! kaya tayo friends hehe---Lea
Post a Comment