Pages

Wednesday, November 17, 2010

Pork Adobo

Natuto lang akong magluto nung napunta ako dito sa Indonesia.  Marunong naman ako magluto nung mga instant --- noodles, pancit canton, hotcake, champorado, soup, etc.  Marunong din akong mag-prito. Pero yung tipong kailangan talaga ng preparasyon, wala. nada. zetlog. 

Sinikap kong aralin ang pinakamadaling lutuin, adobo. Tinanong ko aking mahal na ina kung paano ito gawin. Yung mga unang subok ko, medyo maalat. Pagkatapos, para namang paksiw dahil napadami ng suka. Sumunod naman, natuyo yung sabaw at nasunog ung baboy. Hanggang sa nakuha ko din ung lasang gusto ko. Sumasablay pa din naman minsan, pero naagapan.


Adobo + Kanin + Malamig na Coke  =  Napakasarap na Hapunan!


Ito ang mga sangkap na ginamit ko:
  • butter
  • bawang
  • toyo
  • black pepper (ground)
  • suka
Pinitpit ko muna ung bawang at hiniwa ng maliit. Ginisa ko sa butter. Tapos iniligay ko na ung baboy. Nilagyan ko ng toyo, mga 3/4 cup. Tapos 1 1/2 cups ng tubig. Nilagyan ko ng ground black pepper at hinalo. Hinayaan kong kumulo ng 20-25 minutes. Pagkatapos, inalis ko sa sabaw ung baboy at pinrito ko. Ayoko kasi ng hindi naprito ung baboy. Pagkatapos kong iprito, inihalo ko ulit dun sa sabaw.  Nilagyan ko ng 1 tsp na suka at pinakulo ko ulit ng 5 minuto. 


At pagkatapos, kumain na ko. :)

Tuesday, November 16, 2010

Pasalubong

Kamakailan, ang aking jowa ay nagpunta sa HK para sa isang convention. mga 4 na araw din syang nandoon, buti na lang meron kaming kaibigan na nagpaunlak na iikot sya tuwing gabi.  gusto nyang bumalik ulit, pero kasama na ako.  meron syang mga nabili... adik sa school supplies yun e.  so nakabili sya ng 1 set ng pang arts and crafts, tipong may mga maliliit na punchers for stars, hearts, etc.  ibinili din nya ung pamangkin nya ng finger puppets.  at eto naman ang sa akin:

Alam nya kasing adik ako sa kape, milo na pala ngayon. hehehe. thanks, love! sa susunod, isama mo na din ung laman. :P

Saturday, November 13, 2010

Chicken Sopas

My first attempt to cook chicken sopas! Bakit? Kasi nagkasakit ako last week, nilalagnat ako. Ang aking ispeyshal samwan ay may pinuntahang convention so walang nag-alaga sa akin. Instant noodles lang ang kinakain ko, so purgang-purga na ko. Naisip ko bigla ang sopas ng aking mahal na ina. So ito ang unang subok ko na gayahin ang nakakagamot nyang sopas.

 Ito ang ginamit kong panahog sa sopas:
  • bawang
  • sibuyas
  • carrots
  • cabbage
  • chicken breast
  • butter
  • patis
  • salt
  • pepper
  • elbow macaroni 
  • milk
Pinaghihiwa ko muna yung bawang at sibuyas, diced. Naiyak pa ko sa sibuyas, pakshet. Tapos hiniwa ko ung carrots ng parang strips. Yung cabbage, ginupit ko ng maliliit, ayoko ng masyadong malalaking green leafy vegetables.  Yung chicken breast, pinakuluan ko sa tubig. Pagkatapos kumulo, inalis ko sa kaserola, hindi ko tinapon ung pinagkuluan kasi un ang gagamitin kong sabaw. Hinimay-himay ko yung manok.

Pagkatapos, ginisa ko na sa butter ung bawang, sibuyas, carrots at ung manok. Tas hinalo ko na ung pinagkuluan na tubig (chicken stock). sayang wala kasi akong chicken knorr cubes. Tapos, nilagay ko na ung elbow macaroni at pinakulo ng 15 minutes.  Tantyahan na lang ng lasa gamit ang patis, asin at pamintang durog. Nilagay ko rin ng gatas, kasi nilalagyan ng nanay ko. 

Ok naman sya, pwede na. Luto ko e. Kailangang mahalin ko. Hahaha. Pero mas masarap pa din ang sopas ng nanay ko. Di bale, 27 days na lang, babalik na ulit ako ng pinas para sa christmas vacation. lalamon ako ng todo ng pinoy food. :D

Thursday, November 11, 2010

On being single...

"Single is not a status. It is a word that best describes a person who is strong enough to live and enjoy life without depending on others."



Thanks Tin, for this quote. :)

Monday, November 8, 2010

Birth of Kulet

Hi. Ako si Kulet. Bakit Kulet? Ito ang palayaw ko nung bata pa ako. Malamang, dahil sobrang kulit ko noon at ito ang itinawag sa akin. Kesa naman Aiza. Yak. Kaderder. Galit na galit talaga ako pag tinatawag akong Aiza nung gradeschool. Kung pwede lang makapatay ang tingin, marami na akong napatay noon. At ngayon.

Matagal na kong naghahanap at nag-iisip ng tamang pangalan sa blog ko. Papalit-palit ako palagi. Di ako makuntento. Para bang may kulang. Parang hindi ako. Naisip ko, bakit hindi ko gamitin ang palayaw ko nung sinaunang panahon? Tutal, makulit pa din naman ako ngayon. Yun lang.