Pages

Saturday, November 13, 2010

Chicken Sopas

My first attempt to cook chicken sopas! Bakit? Kasi nagkasakit ako last week, nilalagnat ako. Ang aking ispeyshal samwan ay may pinuntahang convention so walang nag-alaga sa akin. Instant noodles lang ang kinakain ko, so purgang-purga na ko. Naisip ko bigla ang sopas ng aking mahal na ina. So ito ang unang subok ko na gayahin ang nakakagamot nyang sopas.

 Ito ang ginamit kong panahog sa sopas:
  • bawang
  • sibuyas
  • carrots
  • cabbage
  • chicken breast
  • butter
  • patis
  • salt
  • pepper
  • elbow macaroni 
  • milk
Pinaghihiwa ko muna yung bawang at sibuyas, diced. Naiyak pa ko sa sibuyas, pakshet. Tapos hiniwa ko ung carrots ng parang strips. Yung cabbage, ginupit ko ng maliliit, ayoko ng masyadong malalaking green leafy vegetables.  Yung chicken breast, pinakuluan ko sa tubig. Pagkatapos kumulo, inalis ko sa kaserola, hindi ko tinapon ung pinagkuluan kasi un ang gagamitin kong sabaw. Hinimay-himay ko yung manok.

Pagkatapos, ginisa ko na sa butter ung bawang, sibuyas, carrots at ung manok. Tas hinalo ko na ung pinagkuluan na tubig (chicken stock). sayang wala kasi akong chicken knorr cubes. Tapos, nilagay ko na ung elbow macaroni at pinakulo ng 15 minutes.  Tantyahan na lang ng lasa gamit ang patis, asin at pamintang durog. Nilagay ko rin ng gatas, kasi nilalagyan ng nanay ko. 

Ok naman sya, pwede na. Luto ko e. Kailangang mahalin ko. Hahaha. Pero mas masarap pa din ang sopas ng nanay ko. Di bale, 27 days na lang, babalik na ulit ako ng pinas para sa christmas vacation. lalamon ako ng todo ng pinoy food. :D

1 comment:

Anonymous said...

kudos sa paraan ng pagsulat mo. lalo na kung paano mo ginawa. sana nakatikim man lang ako ng luto mo. keep on blogging.