minsan lang dumating ang mga pagkakataon. maraming ipinagdamot sayo na panahon, yun ang sabi mo. ngayon nagkaron ka na ng pagkakataon na ipaglaban yung nararamdaman mo, di mo ginawa. naduwag ka. hindi mo sya kayang panindigan noon, siguro kasi bata ka pa. pero pagkatapos ng sampung taon, ito na ang pagkakataon para mapatunayan mo na kaya mo syang panindigan, pero hindi pa rin pala. dahil kung ano ka noon, ganun ka pa rin ngayon. umusad na ang lahat, ikaw, nandyan ka pa din. kuntento sa kung anong meron ka. papasok-pasok ka sa relasyon ng may relasyon, pero bahag pala ang buntot mo. ayusin mo muna buhay mo, hindi nya kelangan ng aalagaan. ang kailangan nya, yung kaya syang alagaan. at ano ba ang kaya mong ibigay na hindi ko kayang ibigay?
sampung taon mula ngayon, hindi mo pa rin sya kayang kunin sa akin.
No comments:
Post a Comment