Pages

Thursday, March 1, 2012

Ang mga babae talaga

*grabe. usapang lalake*

*sindi ng yosi*

*hithit*

*buga*

Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-
muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko
maintindihan. Ewan ko ba!

*hinga ng malalim*

Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-
aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo
tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay
pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa clouds*

Minsan naiisip ko,

alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na
gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal?

E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at
pagsuyo sa mahal nya?

Ang feeling ng masaktan pag nabasted?

Malamang-lamang siguro, hindi no?. Wala naman
yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e
mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang,
lalake na ang naghihirap.

Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun,
kung ano pang diskarte ang gagawin naten
para masabi naten sa kanila na mahal natin sila.
Alam kaya nila yun?

Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?

Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal
nga sila. Susuyuin to-the-max.Maghahatid sa bahay, tutulungan,
sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e
pagsilbihan mo nang walang sahod.

At ano ang kapalit?

Well, depende sa trip nila.

Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake
kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila
tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak
pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang
namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan.

Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal
natin, sorry tayo.

Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan
mong maabot ang
kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad
trip, iiling-iling, at
minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang rason.

"Hindi pa 'ko ready eh..",

"Sorry pero I think we should just be friends..",

"Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha.."

"Better luck next time na lang muna, okay
lang?",

"Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..",

"Para lang kitang kapatid e..",

yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng
langit at lupa 'yon para saten.

*kuha ng bote ng beer*

*lagok*

*lunok*

At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship
stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.

Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng
relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat
magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at
faithful; tayo, tayo tayo.
Sila? Ummm? Teka, isipin ko.

Ayun.

Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat
magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts;
sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila
ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng
tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil
meron sila, at kung kelan ka korni.

Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer*

*lagok*

*lunok*

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang
bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon.
Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten.
Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo.
Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.

*hinga ng malalim*

Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa
kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e.
Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung
magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature.
Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-
selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi
lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim*

*tingin sa malayo ulit*

At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to,
either sawa na sila,
hindi na tayo trip,
may nahanap na silang better saten,
o kaya they need f*cking space and time muna.

Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila
ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak
na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan.Na playboy, na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at
parang mga pusang iiyak-iyak.

Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno
matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila,
sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa
lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong
tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamumroblema sa pag-aadjust
sa pagiging single, at di na naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na
lang naiiwan sa ere.
Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

Ako, kamusta? Eto.Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong
hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni.
Lalagok-lagok ng alak.

Ang mga babae talaga, oo.

=====================================================

i received this email around 8 or 9 years ago. i don't know who the author is, but if this is your work, you may contact me so that i can give you proper credit. =)

No comments: